Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Abril, 2023

Ellen Adarna, ayaw ng umarte sa showbiz

BILANG isa sa ambassador ng Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center, dumalo si Ellen Adarna sa inauguration at ribbon-cutting nito na ginanap noong Wednesday ng happon. Ayon kay Ellen, tinanggap niya ang offer na maging ambassador ng  nasabing medical clinic dahil aligned na aligned daw ito sa buhay niya ngayon. Bukod dito, seven years na siyang kliyente ng Shinagawa kaya nag-yes agad siya nang aluking maging endorser nito. Samantala, pinanindigan ni Ellen ang kanyang desisyon na huwag na munang bumalik sa mundo ng showbiz. Tulad ng kanyang asawang si Derek Ramsay, mas gusto ni Ellen na i-enjoy muna ang kanyang married life kasama ang anak nila ni John Lloyd Cruz na si Elias Modesto. “Ayokong mag-taping, ayokong mag-soap, alam naman nating it requires a lot of energy and time away from family. It is my choice to take a break,” sabi ni Ellen Napag-usapan ba nila ni Derek pareho nilang isasantabi muna ang showbiz?  Sagot niya,“I think, we just met at a perfect time. That...

Alisah Bonaobra ayaw makumpara kay Angeline Quinto

Imahe
by Mildred A. Bacud Masaya si Alisah Bonaobra na siya ang napili ng composer singer na si Joel Mendoza na irevive ang awiting 'Hanggang Kailan' na orihinal na inawit ni Angeline Quinto. Espesyal ang kantang ito para kay Joel dahil naging entry niya ito nang sumali sa unang Himig Handog P Pop Love Songs no'n ng Star Music taong 2014.  Sa katatapos lamang na media conference ni Alisah ay hindi maiwasan itanong sa kaniya ang pagkukumpara sa bersyon nila ng kanta ni Angeline.  Wala naman daw dapat comparison dahil mataas ang paghanga nito kay Angeline.  Pag-amin lamang ni Alisah bagaman happy siya sa pagkakapili sa kaniya at the same time ay nakaramdam din siya ng pressure.  "Ni-record namin ang kanta ng anim na oras, na si Joel Mendoza ang vocal coach. Ang intense body language ni Sir Joel   habang nasa studio kami ay nakapokus sa best version ng kanta," sey ni Alisah. Ang Hanggang Kailan ay ni-record sa Wild Grass Studio sa QC  at...

Limang bida ng Voltes V Legacy, paano nga ba napili?

Imahe
by Mildred A . Bacud Matapos ang apat na taong preparasyon, sa wakas ay mapapanood na rin ang  “Voltes V: Legacy ,  ” na handog ng GMA Network. Bukod sa TV Premiere nito sa May 8, ay mapapanood muna siya sa big screen sa SM Cinemas.  Para ma-experience ang reaksyon ng mga tao, ay pinanood namin muli ito sa SM Cinema at nostalgic talaga ang mga eksena lalu na sa linyang " "Let's Volt In," ng bidang si Steve Armstrong na ginampanan ni Miguel Tanfelix.  Bumaha rin ng luha sa eksena ng pamamaalam ni Carla Abellana na gumanap bilang ina ng mga Armstrong.   Bukod kay Steve, bida rin sina   Ysabel Ortega bilang Jamie Robinson,  Matt Lozano bilang Big Bert Armstrong,  Radson Flores bilang  Mark Gordon, at  Raphael Landicho bilang  Little Jon Armstrong. “Gusto naming ma-experience ng Gen Z ang naramdaman noon ng mga magulang nila nung kabataan nila. ‘Yung feeling na uuw...

Mrs. Philippines International kinoronahan na

Imahe
by Mildred A. Bacud Sa imbitasyon ng Marketing manager at Spokesperson ng Mrs. Philippines International na si Aries Concepcion ay nasaksihan namin amg bonggang coronation night ng nasabing Pageant. Ginanap ito sa Okada  Grand Ballroom last April 4 at well attended ng mga kilalang personalidad sa pageant. May mga iba pang galing ng ibang bansa para masaksihan ito.  Espesyal ang pageant na ito dahil kami mismo ay nag-enjoy sa presentation ng Mrs. Philippines International. Kakaiba ito sa ibang pageant dahil mas maraming umuwi ng masaya matapos ang announcement ng mga winners. Walang "thank you girl" ang nangyari sa 21 candidates dahil halos lahat ay may special crown at awards na natanggap. Si Irma Payod-Bitzer ng Cebu City North  ang nanalo sa ika-6 na edisyon ng Mrs. Philippines International.  Narito ang mga nanalo sa kani kaniyang titulo:  GRAND WINNER- Mrs. Philippines International 2023 - Irma Payod- Bitzer (Cebu City Nor...

Jeth at Mygz Molino tumanggap ng award sa Vietnam

Imahe
by Mildred A. Bacud Masaya ang manager na si Jeth Carey at ang alaga niyang social media influencer at aktor na si Mygz Molino sa parehong award na nakuha nila sa Vietnam. Ito ang Vietnam International Achievers Awards na ginanap sa Royal hotel Saigon, Ho Chi Minh city last March 30.  Pinagkaloob ito ng Leisure Entertainment Inc.  Ito ay dahil sa kontribusyon nina Jeth at Mygz sa kanilang larangan. Hindi lamang kasi pagpapasaya ang dulot nila sa kani kanilang vlogs, nagsisilbi rin silang inspirasyon sa mga kababayan lalu na ang mga kapus palad. Aktibo si Mygz sa pagbibigay tulong sa pamamagitan ng kaniyang vlogs sa mga pinaka mahihirap na at nasa laylayan na mga pilipino.  Hindi lamang d'yan natatapos ang mga awards na matatanggap ni Mygz dahil may award pa siya, ang MELA AWARDS  ng Southern Tagalog 2023 na magaganap sa April  22 sa Queen Margarette Hotel, Lucena. Ang isa pa ay ang IGAP AWARDS, International Golden Awards...

Ang pagbabalik ng Ms. WBO Top Model Philippines, maraming pasabog

Coco Martin, proud sa pelikulang "Apag"; Nagbalik tanaw sa rejection sa TV

Imahe
by Mildred Bacud Tagumpay ang naganap na premiere night ng pelikulang Apag na pinagbibidahan ni Coco Martin. Ang mga lead stars ay naroon bukod sa Primetime King tulad nina Gladys Reyes,Jacklyn Jose at Senator Lito Lapid.  Naroon din sina Shaina Magdayao at Mark Lapid kahit na special participation lamang.  Nagsilbing reunion movie ito nina direk Brillante,Jacklyn at Coco. Alam naman natin na sa indie movies nakilala ng husto ang aktor.  Nasa mood pa mgang magkwento si Coco. Magbalik tanaw siya sa mga pinagdaanan bago mapasok ang telebisyon.  Akala raw niya ay magiging madali sa kanya ang pasukin ang telebisyon dahil nakapagbida na rin naman siya  sa indie film na “Masahista” ni Direk Brillante Mendoza noong 2005 pero kung ilang beses daw siyang na-reject. “ Maikwento ko lang ang tingin sa akin ng network, ang tingin talaga sa akin noon, bold actor, sexy star. ‘Yun talaga ang ano nila sa akin. May offer pa sa akin datin na maging ka- tria...