Ara, minulto sa pelikulang Katok ng AQ Prime
by Mildred A. Bacud Just in time for the Halloween ay napapanood na ang Katok movie ni Ara Mina sa AQ Prime Streaming. Ito ay sa direksyon ni Joven Tan. Humarap si Ara sa press people kasama pa ang ibang cast. Panimula niya ay hindi naman daw ito ang first time niyang gumawa ng horror film. " Nakagawa na ako ng horror film pero the last time ay sobrang tagal na. Yung Shake Rattle and Roll. Happy ang asawa na gumagawa ako ng mga horror movies. Gusto nga niya na maging horror queen kasi after nito may isa pa akong movie sa AQ na horror din. He likes me doing this kind of film. Gusto niya yata akong maging so Kros Aquino na horror queen. Nagkwento pa si Ara tungkol sa nasabing pelikula. Ibinahagi niya na minulto niya during the shooting. "I've been doing horror films noon pa yung Shake Rattle and Role but this is the first time na parang may gumanon na kamay eh wala namang tao sa area na 'yun kasi lahat ng staff nandito sa directors booth at waitin...