Sylvia Sanchez mas naintindihan na raw ang mga nasa likod ng kamera dahil sa 'Topakk'
Matapos mapa-wow ang global audience mula Cannes, Locarno at Austin, pinagmamalaki ng Nathan Studios sa pangunguna ni Sylvia Sanchez na ang pelikulang pinroduce nilang "Topakk" ay nasa Pinas na at napabilang pa sa Metro Manila Film Festival. Pinagbibidahan nito ng anak niya at Congressman Arjo Atayde kasama si Julia Montes. Mas naiintindihan na raw ngayon ni Sylvia Sanchez ang trabaho ng production people bilang producer na rin sya ngayon. Sey niya, " Mas mahirap talaga ang ginagawa nila.Walang kain, takbo dito, takbo doon. Unlike artista ako, pagdating ko sa set, aarte ako. Ngayon nararanasan ko yung hirap, yung magutom. Sa tanong na kung kailan siya tinitopak, sey pa niya ay hindi raw pwedeng topakin dahil masisira ang araw niya. Bilang artista naman ay binida ng aktres ang husay ng kanilang mga artista. Wala na raw siyang masasabi pa. Ang nasabing pelikula ay tumatalakay sa dating slecial forces operative na dumaranas ng Pos...