Iza Calzado masaya sa bagong endorsement; Mas naging ganadong magluto
(Mildred Amistad Bacud) Masayang nakipagkwentuhan si Iza Calzado sa Department Store ng SM North para ibida ang pinakabago niyang endorsement. Ito ang Metro Cookware Set o tinawag na Metro Iza Calzador Starter Set. Natuwa kami dahil kami rin ay nakatanggap nito. Dahil isa ng ina, mas ramdam daw ng aktres ang appreciation na kunin siya bilang endorser. "'Totoo ba? Is it a sign?' sabi ko. Pinagluluto ako ng Panginoon. Ang clear ng sign. Okay, go! Thank you Lord! "Syempre thank you that the brand is trusting me. E ang sakto, 'Start with Metro,' ang tagline nila. Siguro brand fit din. Siguro hindi pa nga nila alam na nag-start pa lang ako. So, it's so good it's aligning to what's happening to me," sabi ni Iza. Sa kasalukuyan, paborito raw lutuin ni Iza ang bolognese pasta, na paboritong kainin naman ng kanyang mister na si Ben Wintle at anak nila na si Deia Amihan. Sa launching ay nagpasample naman si Iza ng ...