Maple Leaf Dreams nina LA at Kira hindi intensyong gayahin ang KathDen movie
by Mildred A. Bacud Sinuportahan ng ilang mga celebrities, pamilya, kaibigan at mga tagahanga ang premiere night ng "Maple Leaf Dreams" na ginanap last Friday sa Gateway Mall 2. Ilan sa kanila ay sina Janella Salvador, Jameson Blake,Jerald Napoles Kim Molinaat ang “Showbiz Update” hosts na sina Ogie Diaz at Mama Loi. Pagkatapos ng pelikula ay nagkaroon ng mediacon. Dahil sa Canada ang location ng pelikula, hindi tuloy naiwasan na ma-compare ito sa upcoming movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, ang "Hello, Love Again. Halos pareho din kasi ang tema nito tungkol sa mga OFW na nagtatrabaho sa nasabing bansa. Sagot agad ni LA, “Ako siguro, sobrang happy ako na masasabi kong nag-Canada kami nina Alden at saka ni Ms. Kathryn. I’m very happy na mabanggit lang na kasama sila at sobrang blessing naman talaga yung makapunta sa Canada.” Sey naman ni Kira, “Para sa akin I believe that every OFW story is different. I mean, we may have th...