Mga Post

Nijel de Mesa's literary masterpiece na "Subtext" isa ng Musical

Imahe
By Mildred Amistad Bacud Bukod sa pagpoproduce ng pelikula at pagdidirhe, pinasok na rin ni Nijel de Mesa ang mundo ng teatro. Bakit naman hindi, dito naman talaga nagsimula si direk. Isa sa mga unang obra niya na nagbigay sa kanya ng pagkilala ay ang kanyang dula na “Subtext,” na nanalo ng 1st Prize sa Don Carlos Palanca Awards for Literature.  Naimbitahan kami para manood ng nasabing musical play last Saturday. Sa totoo lang ay naaliw kami sa kuwento, sa mga nagsipaganap at sa script ng Subtext. Binalik kami ng nasabing palabas nung mga panahong nagsisimula pa lamang ang mga cellular phones.  Ang kuwento ng Subtext, the Musical  ay umiikot sa mga pagsubok sa pakikipag-relasyon at komunikasyon. Kasama sa mga naunang cast sa pelikula noon ang mga bantog at kilalang artista na tulad nina Victor Neri, Soliman Cruz, Lou Veloso, Harlene Bautista, Paolo Contis, Ciara Sotto, Boboy Garovillo, at Nova Villa. Ngunit sa kasalukuyang bersiyon na i...

Sylvia Sanchez, dismayado sa kakaunting sinehan ng 'Topakk' pero laban lang

Imahe
Nagbukas na kahapon, arsw ng kapaskuhan ang pagpapalabas ng lahat ng pelikulang kalahok sa MMFF. Kahit maulan ay dinagsa pa rin ito ng manonood. Nasa Gateway kami kahapon para sa imbitasyon ng pelikulang Topakk na entry ng Nathan Studios at pinagbibidahan ni Cong. Arjo Atayde at Julia Montes. Infairness puno at na sold out na rin ang mga sinehan kung saan pinalabas ito. Naroon din para mag-ikot ang actress/at producer na si Sylvia Sanchez. Dito ay na interview namin siya at binahagi  ang pagkadismaya nung una dahil 36 lamang na sinehan ang nabigay sa kanilang pelikula. Kaya naman hindi na raw sila  umasa pa na makakalaban sila sa topgrosser.   Ano nga ba naman daw ang laban nila sa apat na pelikulang may mahigit 100 hanggang 200 cinemas na nakuhang mag-showing sa buong bansa. Pero imbes na mag-dwell raw sa sama ng loob si Sylvia ay laban lamang daw dahil naniniwala sila na maganda ang kanilang pelikula.  " Wala akong masasabi sa mga artis...

Julia Montes, napako sa shooting; Bilib kay Arjo Atayde

Imahe
Julia Montes,  napako sa shooting  #### Nahawa na nga yata  si Julia Montes na laging binibigay ang best sa mga buwis buhay scene ng nobyong si  Coco Martin kapag gumagawa ng proyekto.  Paano ba kasi  ay napako pala ito sa shooting ng pelikulang Topakk na pinagbibidahan ni Arjo Atayde.  Kwento napako ang tuhod  niya sa isang eksena na kinailangan niyang lumuhod sa sahig. At bilang professional actress, kahit napako na ay tinuloy pa rin daw ni Julia ang eksena. Dagdag pa niya, “Kasi ‘yung eksena na ‘yun, nagko-confrontation na ‘yung mga characters. ‘Yun ‘yung first meetup namin ni Arjo, so medyo intense na ‘yung mga bagay-bagay."  Nahiya naman daw i-cut yung eksena para sabihin na ‘teka lang napako siya . Ang ginawa na lamang daw niya ay nung hindi na nakatutok sa kaniya ang kamera ay hinugot na lang niya yung pako sa tuhod niya.   Nagpa-tetanus shot naman daw ang aktres pagkatapos no'n.  Nalaman daw nama...

Sylvia Sanchez mas naintindihan na raw ang mga nasa likod ng kamera dahil sa 'Topakk'

Imahe
Matapos mapa-wow ang  global audience mula Cannes, Locarno at Austin, pinagmamalaki ng Nathan Studios sa pangunguna ni Sylvia Sanchez na ang pelikulang pinroduce nilang "Topakk" ay nasa Pinas na at napabilang pa sa Metro Manila Film Festival. Pinagbibidahan nito ng anak niya at Congressman Arjo Atayde kasama si Julia Montes.  Mas naiintindihan na raw ngayon ni Sylvia Sanchez ang trabaho ng production people bilang producer na rin sya ngayon. Sey niya, " Mas mahirap talaga ang ginagawa nila.Walang kain, takbo dito, takbo doon. Unlike artista ako, pagdating ko sa set, aarte ako.  Ngayon nararanasan ko yung hirap, yung magutom. Sa tanong na kung kailan siya tinitopak, sey pa niya ay hindi raw pwedeng topakin dahil masisira ang araw niya.  Bilang artista naman ay binida ng aktres ang husay ng kanilang mga artista. Wala na raw siyang masasabi pa. Ang nasabing pelikula ay tumatalakay sa dating slecial forces operative na dumaranas ng Pos...

Aga nagpasalamat na hindi leading lady si Nadine sa pelikulang Uninvited

Imahe
( Mildred Amistad Bacud) Masaya at excited daw si Aga Muhlach sa reunion project nila ng Star for All Season na si Vilma Santos via "Uninvited" ng Mentorque Productions. Tatlong dekada rin mula ng huli silang magtambal sa mga pelikulang " Sinungaling Mong Puso," at " Nag-iisang Bituin." Pero ang nakakatuwa sa kwento ng aktor sa bonggang presscon mg nasabing pelikula ay  ang kaba raw na naramdaman niya nang sabihin ni direk Dan Villegas na makakasama niya si Nadine Lustre.  Akala raw niya ay ang aktres ang makakatambal niya. Mabuti na lamang daw ay gaganap siyang ama nito.  Hindi na raw bata at tanggap na ni Aga na tapos na siya sa pa-loveteam o gumawa ng mga love story, dahil na rin sa edad niya.Hindi na rin siya komportable na may kaparehang mas bata sa kaniya.  Matatandaang sa mga nakaraang pelikula niya ay ipinareha na siya kina Kristine Hermosa, Anne Curtis, Bea Alonzo at ang huli ay si Julia Barretto.  Sey ng aktor, “I cannot a...

Nadine Lustre, oppurtunity of a lifetime daw makatrabaho sina Vilma Santos at Aga Muhlach

Imahe
(Mildred Amistad Bacud) Isang malaking challenge  na naman sa acting career ni Nadine Lustre ang mapabilang sa pelikulang Uninvited" na entry ng Mentorque Productions sa Metro Manila Film Festival.   Pressure kaya ito sa kaniya dahil alam naman natin na last year ay siya ang tinanghal na best actress sa MMFF para sa pelikulang "Deleter."   This time ay  makakasama naman niya sa nasabing pelikula ang icons sa showbiz na sina Star for all season Vilma Santos at Aga Muhlach. Nang tanungin si Nadine kung ano ang pakiramdam  niya. Aniya  nang tawagan daw siya ng direktor nito na si Dan Villegas, at  ikwento sa kaniya ang synopsis ng nasabing pelikula, hindi pa raw tapos ang pag e-explain  ay agad siyang napasabi ng game na. Lalu na nung nalaman na makakasama niya sina Vilma  at  Aga.  " Kelan ko ba masasabi na nakatrabaho ko sila ( Vilma at Aga) in one film. This is an oppurtunity of a lifeti...

IMG, may malasakit sa bayan

Imahe
ISANG grupo ng mapag-malasakit na Pilipino ang umaapila sa mga botante na pumili ng kandidatong mapagkakatiwalaan, maka-tao, intelihente, at may pagmamahal sa bansa ang dapat iboto sa darating na May 2025 midterm Elections.   Ang Independent Minded Group (IMG) ay isang boses ng mga mamamayan, mga magbubukid, laborers, guro, estudyante, at trabahador, ay humihikayat sa mga Pilipino na ang kanilang mga boto ang siyang kinabukasan ng bansa. Nanawagan din ang IMG na iwasang tangkilikin ang mga kaalyado ng mga Duterte sa darating na May 2025 midterm elections, na pinamu-munuan ni dating President Rodrigo Duterte. Na ang pamilya ay kilalang sikat na political dynasty sa Mindanao. Ang kanyang anak ay si Vice President Sara Duterte, samantalang ang panganay na anak na si Paolo ay isa namang congressman at si Sebastian Duterte ang kasalukuyang  mayor ng  Davao City. Dahil nga sa nalalapit na eleksiyon ay madiin talaga ang paninindigan ng IMG na dapat bumoto ng tam...