Book author, pilantropo at president ng Leave Nobody Hungry Foundation Inc. biktima ng online scam, nagsampa ng kaso
Ang book author at President-Chairperson ng Leave Nobody Hungry Foundation Inc. na si Virginia Rodriguez ay humihingi ng tulong sa pamahalaan dahil sa sobrang pananakot at pangingikil ng P50 million pesos ng isang grupo ng sindikato, kapalit na pagpapatigil sa pagpapalabas ng mga paninira sa kanya sa social media gamit ang mga pekeng account. Siya ay nagbabala sa publiko ukol sa mga pekeng FB account at sa ibang social media na siraan ang kanyang pangalan at reputasyon sa pagpapalabas ng mga maling akusasyon at paratang sa kanya. Humingi ng tulong si Ms. Rodriguez kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa National Bureau of Investigation (NBI), at Philippine National Police (PNP) upang madakip ang mga suspect na pinamumunuan umano ng isang nagngangalang alias Baby S. na isang malaking sindikato ng scammers. Ayon kay Ms. Rodriguez, nakatanggap siya ng mga message at electronic voice calls at maraming dummy account sa social media, kabilang ang tatlong gumagamit ng pa...