Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Abril, 2022

Mygz, emosyonal pa rin 'pag naalala ang yumaong si Mahal

Imahe
Hindi pa rin pala lubusang nakaka-move on sa pagkamatay ni Mahal ang matalik na kaibigan na si Mygz Molino. Sa pagpunta namin sa Tanuan Batangas kung sa'n ginawaran ng mga parangal ang sikat na vlogger ay nagkaroon kami ng pagkakataong makakwentuhan ito. Bakit nga ba masakit pa rin sa kaniya ang biglaang pagkamatay ni Mahal? Sinagot rin niya ang isyu ng hindi daw niya pagsipot sa meet and greet na inorganize ng ilan niyang fans. Bakit nga ba nasa puso niya ang pagtulong? Ya'n at maraming pang-iba ang aming naging tsikahan.

Kathryn Bernardo, nagpahayag ng suporta kay VP leni Robredo

Imahe
(by Mildred A. Bacud) Ginalaw na nga ni Kathryn Bernardo ang baso. Ito ang madalas sabihin ng netizen sa mga taong gusto nilang magparamdam na ng kagustuhan.  Last April 23, sa Pasay City rally na birthday celebration din ni Vice President Leni Robredo at tumatakbo sa pagka-Pangulo, ay pinalabas ang video ad na ginawa ng sikat na aktres bilang suporta kay VP.  Nauna ng nagpahayag ng suporta ang nobyong si Daniel Padilla na nakilahok kamakailan lang sa pagpinta ng mural sa Fairview Quezon City.  May mga nagtanong kung bakit wala amg magnobyo sa Pasay Rally. Ang dahilan ay pareho silang nakalock-in taping ng pinakabago nilang serye, ang "2 Good 2 Be True. " Ikinwento naman ng kaibigang direktor ni Kathryn na si Mandy Reyes kung paano nabuo ang video ad for VP Leni. Binida rin niya na nagbigay din ng ito ng inputs kung ano ang sasabihin.   

Marc Cubales, magkasunod na tumanggap ng award

Imahe
(by Mildred A. Bacud) Magkasunod na tumanggap ng award ang producer/ramp model/actor na si Marc Cubales . Una ay kabilang siya sa  Philippines Empowered Men and Women. Bonus pa ang Best Dress nu'ng gabing yun.  Kamakailan lang ay tumanggap naman siya ng "Philantropist of the Year," sa Okada Hotel. Lingid sa kalaaman ng iba ay aktibo sa pagtulong sa mga nangangailangan si Marc.Isa ng halimbawa sa kaniyang pagmamalasakit lalu na sa showbiz industry ay ang pagsabak na niya bilang producer kaya naman nabuo ang MC Productions by Marc Cubales. Kahit kasi pandemya pa rin ay tinuloy niya ang nasabing project para makatulong sa maliit na mangagagawa ng film industry.  Unang sabak niya ang pelikulang "Finding Daddy Blake," na dinirhe ni Jay Altarejos.  Maging sa press people ay malapit ang puso ni Marc. Nito lamang 6th PMPC Invitational Celebrity Badminton Tournament ng The Philippine Movie Press Club ay nag-sponsor siya. Fu...

Jake Cuenca emosyonal na inaming hiwalay na sila ni Kylie Versosa

Imahe
(by Mildred A. Bacud) Walang nag- akalang may pinagdadaanan ang relasyon nina Kylie Verzosa at Jake Cuenca hanggang sa emosyonal na reaksyon ng beauty queen turned actress sa It's Showtime last April 19. Nagbahagi kasi ng kaniyang saloobin si Meme Vice patungkol sa mga break-up at natanong nito si Kylie. Sa reaksyon nito ay parang nagulat at tinamaan siya sa pagtatanong na iyon hanggang sa naging emosyonal na hindi na mga napigilang umiyak.  Kaya naman ang espekulasyon na break na ang dalawa ay kaagad umugong. Pinagtibay pa ang mga haka haka ng marami ang nakapansin ma hindi na updated ang Instagram account ni Kylie at wala ng latest post na magkasama sila mg aktor. Hanggang sa nito lamang  April 23, ay kinumpirma na nga ni Jake ang hiwalayan through his Instagram post.  Tatlong taon rin ang tinagal ng kanilang relasyon kaya naman marami sa kanilang mga kaibigan,pamilya at fans ang nalungkot. Hindi naman nabanggi...

Kim Chiu, nagpakita ng suporta kay VP Leni Robredo sa Cebu

Imahe
(by Mildred A. Bacud) Balik Cebu ang sikat na aktres na si Kim Chiu para suportahan ang tumatakbong presidente na si Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan na tumatakbong Bise Presidente.  Masayang hinarap ni Kim ang halos 150,000 crowd sa Mandaue City, Cebu para ikampanya ang Kakampink. Marami ang natuwa sa pagsasalita niya ng bisaya sa mga kababayan. Ikinwento rin niya ang dahilan kung bakit niya sinusuportahan si VP Leni. Nauna ng nagpahayag ng suporta ang aktres sa kaniyang social media account matapos makatanggap mg birthday greeting sa Bise Presidente. Tugon niya sa pagbati ni VP Leni sa kaniya ay, “Makakaasa po kayo kasama nyo po ako sa laban na ito. Laban para sa isang gobyernong tapat, angat buhay ang lahat. “Matagal na naming hinihiling at inaasam ang isang tapat na pamahalaan, na nakaupo para sa mga tao at hindi para sa sarili. I am here behind you alongside with all the Filipinos who are hungry for honest and good governance. I am...

Dating sexy actor na si Marcus Madrigal kumusta na nga ba?

Imahe
Dating sexy actor na si Marcus Madrigal, kinwento Ang pagkakasakit, pagbabalik showbizat iba pa. Panoorin ang video

Paulo Avelino masaya sa muling pagkikita ng anak na si Aki sa New York

Imahe
by Mildred A. Bacud Tinuhog na rin ni Paulo Avelino ang pagpunta sa Amerika. Matapos mag-guest sa concert ni Ogie Alcasid ay hindi na niya pinalagpas ang pagkakataong makita ang anak kay LJ Reyes na si Aki. Ang mag-iina ay nakabase na sa New York matapos layasan ang dating partner ng aktres na si Paolo Contis.  Ang madamdaming pagkikita ay pinost ni Paulo sa kqnyang Instagram. 

Devon Seron, nakausap na si Kiko Estrada matapos ang break-up

Imahe
by Mildred A. Bacud Devon Seron, handa ng makatrabaho ang ex boyfriend na si Kiko Estrada.. Panoorin ang aming interview during the blessing of A & Q Entertainment. https://youtu.be/ZACISrqVFB4

Moira dela Torre at asawang si Jason Hernandez hiwalay na nga ba?

Imahe
by Mildred A. Bacud Moira at asawang  si Jason, hiwalay na nga ba? Trending si Moira dela Torre ngayon sa social media dahil sa diumanong nangangamoy hiwalayan nila ng asawang si Jason Hernandez.  Kaagad namin tsinek ang Instagram ng singer at napansin nga namin na burado na ang ilang larawan nilang mag-asawa. Ganun din ang ilang videos nila sa Tiktok ay deleted na rin.   Sabay din naming tsinek kung in-unfollow na nila ang isa't isa pero as of now ay hindi pa naman. Sa account ni Jason ay hindi pa naman burado ang mga larawan nila ni Moira.  Pero tulad ng iba napaisip din kami sa mga  cryptic posts ni Moira nitong mga nakaraang araw tulad ng,  “just keep swimming,” na isa sa mga facebook status niya.  Sa pagpapalit naman niya ng FB profile ay may caption siyang  “there are far, far better things than any we leave behind ~ c.s lewis”. Palaisipan din sa netizens ang makahulugang pagpost ni Jason ng lyrics ng isang kantang may titul...

6th PMPC Invitational Celebrity Badminton Tournament naging matagumpay

Imahe
                              Ngayong panahon ng new normal sa gitna pa rin ng pandemya, matagumpay na iniraos ng The Philippine Movie Press, Inc. (PMPC) Ang masayang charity game noong Sabado, April 8, 2022, na hinanap sa Powerplay Badminton Center sa #24 Apo Street, Quezon City.   Ito ang 6th PMPC Celebrity Invitational Badminton Tournament na isang fund-raising project ng nasabing samahan na nagsimula pa noong taong 2014. Bagamat hindi ito isinagawa nitong nakalipas na dalawang taon, 2020-2021, dahil sa pandemyang hatid ng CoViD-19 o Corona Virus Disease  2019 sa buong mundo. Malugod na pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagdalo sa pagbalik ng sports event ng club. Binigyang papuri  ng alkalde ang PMPC sa pagsasagawa ng ganitong klase ng aktibidad ngayong tuluyang bumaba na ang mga kaso ng CoVid-19 sa Bansa. Hinikayat din ni Mayora Joy na i-avail ang iba't ibang ...

Piolo Pascual, Boy Abunda at iba pang artists suportado ang #50 Ang Probinsyano Partylist

Imahe
by Mildred A. Bacud Marami ang natuwa dahil sa dami ng partylist na magkakalaban this 2022 election ay nakuha pa ng Number 50 Ang Probinsyano Party-List ang pangatlong pwesto. Ayon ito sa  pinakahuling Pulse Asia Ulat ng Bayan national survey na isinagawa mula Marso 17-21, 2022. Sa nasabing survey na inilabas kahapon, walo sa 177 party-list groups na tumatakbo sa darating na halalan ang makakakuha ng suporta ng may dalawang porsyento ng mga botanteng Pilipino kung gaganapin ang May 9 elections ngayon. Ayon sa Pulse Asia, sa suportang ito, malalagpasan ng walong party-list groups ang Ang Number 50 Ang Probinsyano Party-List, na nagsusulong ng hanapbuhay, edukasyon, pagkain at kalusugan para sa lahat ng mga probinsyano, ay nakakuha ng 4.48 voter preference, at posibleng makakuha ng tatlong pwesto. Ayon kay Rep. Alfred Delos, na nangakong ipagpapatuloy ang kanilang mga nasimulang programa para iangat ang pamumuhay ng mga probinsyano sa simula ng kampanya noong ...