ABAA, binuo bilang suporta sa local artists ng mga taga- Binangonan
by Mildred A. Bacud Naimbitahan kami sa presscon ng launching ng ABAA Festival 2022 last Sunday sa Binangonan Recreation and Conference Center(BRCC) sa Rizal. Bago ang performances sa gabi ay humarap muna ang grupo sa press people na dumayo mula Maynila para makapunta sa Rizal. Ang ibig sabihin pala ng ABAA ay All Binangonan Artists Association (ABAA). Ayon sa Municipal Administrator at bumuo ng nasabing grupo na si Russel Ynares, " ABAA is a composition of various show bands, musicians, and visual artists, all based in Binangonan. Ang mga taga- Rizal sa mga kwentuhan ay madalas sinasabi ang expression "ABA eh" so we got the idea." First time this year na nagkaroon ng ABAA Festival 2022 na magshow- showcase hindi lamang sa music kundi kombinasyon ng arts, carshow at skatepark. Balak na nila itong gawin kada taon. ...