Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Pebrero, 2023

Yeng Constantino pumirma muli bilang Ambassadress ng Academy of Rock

Imahe
by Mildred A. Bacud Ang Pop Rock Superstar na si Yeng Constantino na ang kinuha muli ng Academy of Rock (AOR) bilang  Global Ambassadress ng award-winning popular music school  Present sa naturang mediacon at contract signing ay ang  President at Founder na si Ms. Priscila Teo, Cornerstone Entertainment Vice President Jeff Vadillo, AOR shareholders Jonathan Manalo, Rox Santos, Jacinto Gan Jr., at Benedict Mariategue. Ito naman ang eaksyon  ni Yeng sa renewal of partnership na ito. "Gusto ko lang sabihin na I’m so excited sa partnership ko sa Academy of Rock once again. Today marks my 10 th  years with them. 10 years ago nung nagkakilala kami ni Priscilla (President of AOR). She got me to performed in an event and when I met her, she has this a very big smile in her face. Sabi niya sa akin, I’m going to bring you in Singapore. Masaya daw si Yeng sa offer na ito ng Presidente ng AOR pero hindi naman daw siya umasa bagaman inisip niyang sana mangyari....

Gutierrez Celebrities and Media Production launch

Imahe
by Mildred A. Bacud Bongga ang ginanap na launching ng Gutierez  Celebrity and Media Production no'ng Lunes Feb. 28 sa Skydome Sm North. Sa pangunguna syempre ng founder at CEO na si Madam MJ Gutierez.  Ngayon pa lamang ay marami na silang pasabog na pelikula at shows kung saan mapapanood ang karamihan dito sa All TV sa relaunching nito by July. Ang Gutierez Celebrity and Media Production ay isang bagong talent management kung saan tutulong sila sa pagmamanage ng mga talents, celebrities at social media influencers. Nagpo-produce rin ito ng pelikula at serye na mapapanood sa ALLTV. Nakipag-parter ang GCAMP sa nasabing network. Kaya naman sa launching nito, ay nandoon ang ilang big bosses ng ALLTV. Nagpa-facilitate rin ng workshops ang GCAMP. Ang mission ng GCAMP ay to enhance the lives of individuals  with finest entertainment and promote best of talents. Ang upcoming movies ng GCAMP ay ang  horror na Jeongbu,  na bida si Alur Abrenica at mula sa dir...

Vince Tanada, inspirasyon si Ninoy sa pagbuo ng pelikulang I Am Ninoy

Jampacked at SRO (Standing Room Only) ang naganap na premiere night ng pelikulang Ako Si Ninoy nitong Pebrero 18, 2023, Sabado, sa Cinema 7 ng Power Plant Mall, Rockwell Center, Makati City. Kabilang kami sa mga press na naimbitahan kaya nasaksihan namin kung gaano karami ang taong dumalo. Kumpleto siyempre ang cast na pinangunahan ni  Juan Karlos “JK” Labajo na sa huli ay pinuri ng manonood sa kanyang portrayal bilang si Ninoy Aquino.  Hindi lang kay Ninoy umikot ang kuwento ng pelikula kundi sa labing-isa pang fictional characters.  Bago nagsimula ang palabas, ay nagbahagi muna ng mensahe ang direktor ng Ako Si Ninoy na si Vince Tanada.    “In 1983, my late dad brought me to the biggest funeral in Philippine history. At age 10, I was part of the two million who attended. “And for some reason, maybe because of the large group of people who attended, my dad lost me. “And eventually he found me, clinging tightly to the black fabric connected to the big truck...

Isko Moreno pinaliwanag kung bakit tinanggap ang Martyr or Murderer

Imahe
by Mildred A. Bacud Sa pangalawang grand presscon ng pelikulang Martyr or Murderer ay present na ang dating Mayor ng Maynila na si Isko Moreno. Kaya naman tinanong kaagad ng mga press na naroon kung bakit tinanggap niya ang nasabing pelikula. Alam naman ng publiko na magkalaban sa tinakbuhang posisyon sina Yorme at Presidente Bongbong Marcos bilang Pangulo nung nakaraang eleksyon at hindi ito pinalad. Maging si Senator Imee Marcos ay hindi nagulat din daw ng bonggang bongga na tinanggap ito ni Isko.  Sey ni Isko hindi na siya nagdalawang isip pa dahil sa bukod sa talagang namiss niyang umarte uli, itinuturing niyang malaking karangalan ang mapasama sa pelikula ng Viva Films at ni direk Darryl “Immediately, I said yes, kaya I’m happy and honored. It’s also a great challenge to portray such character like Ninoy who was declared by the state as a hero. It’s a happy experience. “May mga nakaiintrigang portion sa ‘MoM’ na dapat panoorin, k...

April " Congratulations" Gustilo nagpaseksi sa pelikulang Baka Sakali mg AQ Prime

Imahe
by Mildred A. Bacud

Drei Arias nagpakadaring sa Baka Sakali ng AQ Prime; Umamin sa gender

Imahe
by Mildred A. Bacud Kasalukuyan ng pinalalabas sa AQ Prime ang pelikulang " Baka Sakali. " Nagkaroon kami ng pagkakataong makilala ang buong cast nito. BL movie siya sa direksyon ni Bong Ramos. Isa sa mga bida nito ay si Drei Arias na kinagiliwan ng press people dahil sa mga prangka niyang sagot.Bakit nga ba tinanggap niya ang ganitong klaseng pelikula at ano ang aabangan ng mga manonood?  "Sobrang crucial yung mga ganyang question kasi I’m just starting sa industry po. Kailangan isipin yung mga materials na oo-ohan natin with the guidance of Atty. Honey Atty Aldwin  and direk napipili ko po ng maayos yung mga dapat kong kunin na projects.  "Yung mga aabangan po ay may Joel Lamangan po tayo. Sana suportahan niyo for the meantime sana suportahan niyo yung Baka Sakali streaming na po sa AQ Prime. “ Nacarried away ba siya sa mga eksena nila ng co-star niyang si April Gustilo? “ Natural naman po yun lalu na kapag nagdidikit ang skin pero we have to be profes...

Coco Martin,pinatunayan muli ang lakas sa Primetime sa FPJ's Batang Quiapo

Imahe
Nagbabalik na ang Hari ng Primetime na si Coco Martin para bigyang-buhay ang isa na namang dekalibreng obra ni Fernando Poe Jr. na “FPJ’s Batang Quiapo,” na mapapanood simula Pebrero 13 ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.  Pagkatapos ng makasaysayang seven-year run bilang Cardo Dalisay sa “FPJ’s Ang Probinsyano,” muling sasabak si Coco sa mga makapigil-hiningang bakbakan bilang ang matapang at astig na tagapagtanggol ng bayan na si Tanggol/Baldo sa “Batang Quiapo.” Isang star-studded cast ang makakasama ni Coco sa serye, kabilang na ang anak ni FPJ na si Supreme Actress Lovi Poe. Ito rin ang kauna-unahang FPJ title kung saan gaganap si Lovi. Sa isang teaser na inilabas ng ABS-CBN, ibinahagi ni Coco kung gaano ka-importante para sa kanya na gumawa ulit ng panibagong kwento ni FPJ na hindi lamang siksik sa action scenes, kundi puno rin ng mahalagang aral na kapupulutan ng mga manonood.  “Napakalaking bagay nito na napapalabas namin ang kanyang mga pelikula na ...

Cherry Pie patuloy ang kampanya sa disinformation; pelikulang Oras de Peligro dapat panoorin

Imahe
by Mildred A. Bacud Sa presscon ng "Oras de Peligro" pinaliwanag ng lead actress na si Cherry Pie Picache kung bakit dapat panoorin ang kanilang pelikula.  " My only prayer is that you will really support us. Tell the truth because I think it is very vital nowadays to be able to campaign against disinformation” “Importante lalo na sa mga kabataan ngayon na malaman nila kung ano ba talaga ang totoong nangyari sa kasaysayan natin.” 16 years old na raw ang aktres no'ng 1986 Edsa Revelution. May isip na at mulat sa nangyayari sa Pilipinas.  “Tulungan ninyo kami na this movie is not about against anybody, this movie is just telling the truth and what it is especially the people na hindi nakaranas ng EDSA Revolution o ano ang totoong nangyari sa kasaysayan.”  Dagdag pa niya, “Hindi puwedeng i-edit, hindi puwedeng baguhin that’s why it’s history, hindi mo made-deny ‘yung actual na nangyari dahil actual footage ang makikita sa pelikula.  Let’s spread love, like a...

"Dear SV" ni Cong. Sam Versoza marami ang matutulungan

Imahe

Cesar Montano, naniniwalang blockbuster muli ang Martyr or Murderer ni Daryl Yap

Imahe
by Mildred A. Bacud Proud si Cesar Montano sa kinabalasan ng pelikulang Martyr or Murderer na sequel ng "Maid in Malacanang."  Sa presscon ay binahagi niya kung ano ang naging paghahanda niya sa pagkakataong ito sa papel bilang si Ferdinand Marcos Sr. “Itong script kasi ni direk Daryl ay patindi ng patindi. Tinigtignan ko lang at binabasa ko kung saan ako hindi madadawit at baka makulong ako. Kasi dapat ako ang dadalaw,” biro ng actor. Masaya raw ang aktor sa shooting dahil marami raw siyang nadiskubre. “ Pero I enjoyed the story kasi ang dami kong natitisod na bagong mga nadidisclose na ito pala yung nangyari no’n kasi I was there. 1986 I was in college so hindi ko alam na ganon pala ang nangyayari behind it. Ako personally as an actor challenge sa akin is halos lahat at that time ay ayaw kay Marcos, sumasali sa League of Filipino students kasama na ako dun. Binahagi rin ni Cesar ang challenges along the way portraying an iconic role. “ Ngayon I’m p...

Ruffa Gutierrez sa mga bashers: Trabaho lang walang personalan

Imahe
by Mildred A. Bacud Napakaganda at bagay na bagay talaga ang role bilang Madam Imelda Marcos kay Ruffa Gutierrez. Kuhang kuha kasi niya ang tindig, ganda at glamorosa ng dating first lady. Sa red carpet ar presscon ng MoM( Martyr o Murderer) ay sinabi ng aktres kung paano niya inaral ang kanyang karakter.    " You know because I stole the photo of Madam Imelda and myself sa bahay namin sa White Plains so kasama ko na yung litratong yun sa pagtulog ko, pagkain ko, habang nanonood ako ng TV kasi. "  I remember during Maid In Malacanang sabi ni direk, “ Rufi, hindi ka beauty queen, Madam Imelda Marcos ka, hindi pwedeng fierce, kailangan laging sweet lang lagi so para sa akin since mahilig akong rumampa at yun ang nakasanayan ko mga fierce roles, I really have to downplay my expression bilang first lady madam Imelda Marcos. Ito raw ang naging challenge sa pagganap niya sa dating first lady.  Sa tingin ko ang pinakachallenging na eksena dito sa pan...

Cristine Reyes, pressured sa pagganap bilang Imee Marcos

Cristine Reyes Ano ang challenging kumpara sa !? Dito po sa pangalawa mas mellow down. Challenging siya which I like. The more challenging role, the more I’m game. This time around it’s a different kind of challenge naman. I don’t want to spoil. I think its better if you guys watch it. Focus daw ang pelikula kay Senator Imee Marcos, so gaano ka-pressure na siya ang gaganap sa Senadora? “ Totoo naman kasi malaki talaga ang role ni Sen. Imee Marcos sa kanyang pamilya and maski ako nung binasa ko yung script nong part 1 and 2 parang I think karamihan hindi natin alam yung ginampanan ni Senator Imee back in the day so I think this is a revelation to everyone even me. So hindi ko alam parang nagkataon din nangyari sa personal life ko yung parang nakonekta kay Sen Imee. I’m not saying na yung pinagdaanan nya ganun din but I felt her pain, I felt her being the daughter of former President. Expectation sa nasabing pelikula? “ Madurog ang puso niyong lahat.”

The Manila Film Festival, mas pinalakas ang pagbabalik!

Imahe
By Mildred A. Bacud Sa panguguna ni Manila Mayor Honey Lacuna ay pormal ng binuksan ang pagbabalik ng The Manila Film Festival. Ito ay sa pakikipagtulungan ng Artcore Productions Inc.. Naganap ang signing ng Memorandum of Agreement last February 10 sa Bulwagang Villegas, Manila City Hall.  Naroon din ang utak at pinagsimulan ng ideyang ibalik muli ang TMFF na si Bise Mayor Yul Servo at si Ms. Edith Fider. Naroon din para sumuporta ang mga direktor na magsisilbing mentors na sina Al Tantay at Jay Altejeros. Iba na ang requirement ng nasabing Festival dahil layon nilang buksan ang pintuan sa mga estudyante na magiging next generation filmmakers.  Bukas ito sa senior high school at college students. Walong pelikula ang pipiliin sa lahat ng magpapadala ng kanilang entry. Hihingi rin ng tulong ang Komite ng ng TMFF sa Department of Education at Commission on Higher Education para suportahan ang proyektong ito na layuning ibalik ang sigla ng pelikula matapos ang pinagdaa...

Laguna's Next Big Star Artista Search nakakakasa na sa March 16

Imahe
by Mildred A. Bacud Nalalapit na ang  Anilag Festival 2023. Bilang nahagi ng kanilang selebrasyon ay magkakaroon sila  ng Laguna"s Next Big Star Artista Search na matutunghayan sa March 16 Festival Ground ng Laguna.   Ang utak at tagapamahala ng naturang artista search ay si Director Francis Doble na masayang ginagawa ang kanyang trabaho.  direk Francis Doble " Nagpapasalamat ako dahil ipinagkatiwala sa akin ng pamunuan ng LTCATO at Laguna University bilang organizer ang Search na ito sa Anilag Laguna's Mext Big Star Artista Search.."  Sa halos 100 auditionees no'ng January 24  sa first batch ay iilan lamang pala amg pinalad.  " Lahat talaga ay pawang baguhan at walang experience o anumang pinirmahang kontrata o manager, " sabi ni direk Doble.  Dagdag sa mga pinasalamatan ng direkyor ay ang  Pamunuan ng LAGUNA TOURISM CULTURE ARTS AND TRADE OFFICE( LTCATO) SIR CYRIL MADIZ ng LTCATO at si Do...

Love Anover balik telebisyon via "Love and Everythaaang" sa Net 25

Imahe
by Mildred A. Bacud Love Anover is back on TV pero sa bago na niyang tahanan, ang Net NET25 via her new show, ang Love and Everthaaang “Love and Everythaaang!”  Matagal din nagpahinga si Love. Kilala siya sa kanyang pagiging masayahin, matalino at kakayahang makihalubilo sa mga manonood. Ang mga katangiang ito ang magbibigay-buhay sa “Love and Everythaaang!” na ang tanging hangarin ay ang magbigay inspirasyon sa mga tao.   Sabi ni Love, “This show will be able to inspire people to live and appreciate how beautiful life is, na bawat isa sa atin ay may power at skill within us that can and will get us through life no matter the circumstance will be.” Excited din si Love dahil ito ang kanyang first Radio-TV show. Sobra ang kanyang pasasalamat sa NET25 management dahil sa regalong ito na ibinigay sa kanya lalo na't ise-celebrate niya ang kanyang kaarawan ngayong Pebrero. “Thankful ako sa NET25, na kabilang ang pangarap ko na ito sa kanilang regalo sa akin. Ipinapa...

Laverne, excited sa self-titled concert sa Teatrino

Imahe
by Mildred A. Bacud Pagkatapos ng matagal na pahinga sa showbiz ay handa na nga si Laverne na balikan ang first love niyang gawin, ang singing. Magkakaroon siya ng post valentine concert this coming February 25 sa Teatrino Greenhills. Special guests self titled concert niya ay sina Dingdong Avanzado at Marissa Sanchez.   Ang manager na si Beth Carrasco Fabillaran daw ang nagkumbinsi sa kaniya ng bumalik sa showbiz kasama pa ang ilang kaibigan na sina Ms. F Fernan de Guzman, Joey Austria, Jonas Virtudazo at Suzette. Humarap si Laverne sa press people kamakailan lang kabilang ang Showbiz Unlimited Ph. Sino ang namili ng mga guest niya? Nagkasama na kami ni Ms. Marissa Sanchez sa Sulu Hotel wayback 90’s at magaling talaga siyang kumanta bukod sa pagpapatawa. Si Dingdong naman bukod sa family friend naming client din siya ng brother kong fashion designer si Loyd Arceo. Ano ang aasahan sa kaniyang concert? "Syempre marami kaming surprise na gagawin. Marami d...

Ms. Glenda, nagbabalik Araneta Coliseum para sa pinakamakinang na concert ng taon

Imahe
by Mildred A. Bacud Bukas na, February 7 ang pinakaaabangang comeback concert, ang Pinakamakinang: Brilliant Concert 2023 sa Smart Araneta Coliseum. Pangungunahan yan ng CEO na si Miss Glenda. Star studded ang kanyang mga guests tulad nina Andrea Brillantes,  Alden Richards, Jona, Morissette, Adie, Bamboo,  Seth Fedelin, Jillian Ward, Zeinab, Adie, Mayonaise at Kamikazee. Hosted by Sam G, Rabiya Mateo at MC at Lassy. May special participation naman sina Korina Sanchez at Senador Raffy Tukfo.  Adie,Mayonaise, Kamikazee at Senator Raffy Tulfo. Second time na itong concert na ang huli ay 2019. This is a thanksgiving concert for all their loyal users, friends, resellers, franchisees and this is for free.   Dalawang araw bago ang concert ay humarap sa press people si Ms. Glenda kabilang ang inyong lingkod. Dito ay kinwento niya kung gaano kaespesyal ang naturang concert. " 

Eytch Angeles, masaya sa tagumpay na paglunsad ng Jan B Entertainment NYC sa Pilipinas

Imahe
by Mildred A. Bacud Naging matagumpay ang Philippine launch ng Jan B Entertainment NYC, ang Digital Artists, First Community Mic Series na ginanap last February 1, sa Illusions Pub and Grill CafĂ© sa Mandaluyong City.  Nagperform ang mga bagong artists nito na sina Almyn, Boyong, Chelle, Tif at Ashley. Bagaman wala ang  main act at siyang nagtayo ng Jan B Entertainment na si Eytch kasama ang asawang si Jan Torres Bocobo na nakabase sa New York  ay nakasama pa rin siya sa nasabing launching via online.  Napahanga ang press people sa distinct voice at husay ni Eytch kumanta. Malaki ang naging papel ng digital platform kay Eytch bukod sa pagsisimula niya bilang radio DJ, songwriter at singer.  Halos anim na raang cover songs ang nagawa na niya sa singing music app na Star Maker kung saan dito siya nagsimula.  Dito ay tumibay at mas lalu pang na-inspire ang singer na ipagpatuloy ang pangarap. Hindi na rin mabilang ang naging performan...