Mga Post

Arnold Reyes, binahagi ang sikreto ng pagiging tagumpay na aktor

Imahe
(ni Mildred Bacud) Grateful ang award winning actor na si Arnold Reyes na sa tagal niya sa showbiz ay patuloy ang pagbibigay sa kanya ng opurtunidad. Sa tanong kung ano ang sikreto ng longevity niya sa showbiz aniya ay ang pagmamahal daw sa kaniyang craft. Pero tulad ng ibang artista ay naranasan rin niya ang matarayan ng kapwa artista. "May Isang eksena ako sa isang show. Yung eksenang 'yun nasaksak ako para hindi ko masabi yung katotohanan. Sabi nung lead actress, hindi niya ako tinitighan  ha, tapos biglang sabi niya na pwede ba huwag Mo muna akong hawakan kasi marami kang dugo." Napatanong na lang daw ang aktor sa sarili kung paano niya bibitawan ang linya kung hindi niya hahawakan ang aktres sa eksena.  Kaya naman ginawa pa rin niyang hawakan ito. Pero ano pa man daw ang mga naranasan sa showbiz ang importante aniya ay patuloy na binibigay niya ang best niya sa bawat proyektong ino-offer sa kaniya at nagkataon daw na gusto niy...

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

Imahe
ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) sa local rice supply chain sa Siapo Elementary School sa Barangay Pinagturilan, Occidental Mindoro — na nagpapakita na ang paglago at makabuluhang pag-unlad ay maaaring maging reyalidad kapag ang ahensiya ng pamahalaan at ang komunidad ay nagkaisa. Ang paglagda ng Memorandum of Understanding (MOU)  sa pagitan ng National Food Authority (NFA) at ng Department of Agriculture’s Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (DA‑4K) program ay isinakatuparan bilang suporta at  market access para sa palay na mula sa komunidad ng IP na saklaw ng ancestral domains. Kabilang sa mga opisyal na dumalo sa nasabing seremonya sina Garizaldy Bontile ng NFA Central Office, NFA Occidental Mindoro Assistant Branch Manager Kathlyn M. Gonzales; DA APCO Eddie D. Buen; DA-4K Director Gilbert V. Baltazar; Provincial Agricultural Officer Engr. Alrizza Zubiri; Municipal Agriculture O...

Jojo Mendrez at Mark Herras nagkabalikan?

Imahe
(Ni Mildred Bacud) MAY mga naglalabasan na video raw na Director’s Cut ng music video ng Revival King  na si Jojo Mendrez. May nagtsika na nakita raw si Mark Herras kamakailan na nasa Batangas, kung saan ginagawa ang Music video roon ni Jojo sa isang yayalaning  resort. May nagsasabi na kasama si Mark sa music video ni Jojo.  Kung akala natin ay tapos na lahat ang tsismis sa kanila hindi pa pala. Dahi spotted  na naman sila na  magkasama? How true? Tulad ng Christmas song ni Jojo na " Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin,"  naku, andaming napapatanong kung para ba sa aktor ang kantang ito. Kikiligin lalo na ang mga MARJO, ang Mark Herras and Jojo Mendrez fans. May nagleak na nga raw na video bagama't hindi pa ito nilalabas ng kampo ni Jojo. Excited kami na mapanood ang nasabing video at marami talaga ang nag-aabang dito. 

Book author, pilantropo at president ng Leave Nobody Hungry Foundation Inc. biktima ng online scam, nagsampa ng kaso

Imahe
Ang book author at President-Chairperson ng Leave Nobody Hungry Foundation Inc. na si Virginia Rodriguez ay humihingi ng tulong sa pamahalaan dahil sa sobrang pananakot at pangingikil ng P50 million pesos ng isang grupo ng sindikato, kapalit na pagpapatigil sa pagpapalabas ng mga paninira sa kanya sa social media gamit ang mga pekeng account. Siya ay nagbabala sa publiko ukol sa mga pekeng FB account at sa ibang social media na siraan ang kanyang pangalan at reputasyon sa pagpapalabas ng mga maling akusasyon at paratang sa kanya.  Humingi ng tulong si Ms.  Rodriguez kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa National Bureau of Investigation (NBI), at Philippine National Police (PNP) upang madakip ang mga suspect na pinamumunuan umano ng isang nagngangalang alias Baby S. na isang malaking sindikato ng scammers. Ayon kay Ms. Rodriguez, nakatanggap siya ng mga message at electronic voice calls at maraming dummy account sa social media, kabilang ang tatlong gumagamit ng pa...

Vice Ganda at Ion Perez first time magkasama bilang Beautederm endorsers

Imahe
(Ni Mildred Bacud) Nasurpresa ang lahat nang ipakilala ni  Rhea Anicoche Tan, CEO and President ng Beau­tederm bilang bagong  endorser si Vice Ganda at kasama pa ang real life partner na si Ion Perez.  Nangyari ang malaking event na ito at contract signing last Monday, Nov. 17, sa Solaire North. Sila ang  pinakabagong brand ambassador ng Belle Dolls healthy drink. Ayon kay Vice Ganda, masayang-masaya siya na finally ay bahagi na siya ng Beautederm, pati na rin si Ion. Aniya ay matagal na silang magkakilala ni Miss Rei at magkatrabaho sa kanilang charities. “We are just both very grateful to be part of this wonderful, unkabogable, phenomenal company, phenomenal family of Beautederm,” saad ni Meme Vice. “Kahit wala kaming kontrata ng Beautederm at ni Rei, kahit hindi official ‘yung aming partnership, we have been working together for a very good cause for the society, for the community, for our kababayans,” Sey pa niya.  Dagdag ...

Opisyal ng DA at PRDP at maliliit na contractors biktima ng scammer

ISANG grupo ng mga scammer ang nalantad sa pagpapakalat ng mga gawa-gawang kuwento ng katiwalian na naglalayong sirain ang reputasyon ng matataas na opisyal mula sa Department of Agriculture (DA) at Philippine Rural Development Program (PRDP). Ang sindikato ay gumagamit ng maling impormasyon at mga pekeng dokumento para mangikil ng malaking halaga ng pera sa mga kontratista at opisyal, panlilinlang sa publiko at sirain ang integridad ng mga programa ng gobyerno. Ang grupo ay pinamumunuan umano ng isang Baby S. (Linda Somera). Gumagamit umano si Somera at ang kanyang mga kasamahang sila Jorie Ebus ng mga gawa-gawang organisasyon, kabilang ang Samahang Magbubukid at Maralita ng Pilipinas (SMMP), para magsampa ng mga walang basehang reklamo laban sa mga opisyal ng DA at PRDP. Natuklasan sa mga pagsisiyasat na nabiktima ng grupo ang maraming kontratista sa pamamagitan ng paghingi ng bayad mula ₱2 milyon hanggang ₱5 milyon kapalit ng mga pekeng garantiya ng proyekto. Ilang kontratista ang l...

Fyre Squad talents inilunsad; Bagong mga artista ipinakilala!

Imahe
Inilunsad ang FYRE SQUAD para mabigyan ng pagkakataon ang mga batang nangangarap maging artista.  Sa kanilang grand launch ay ipinakilala ang  children’s magazine-style TV show na prodyus ng   FYRE Talent Academy  — isang platform na binuo para sa mga batang gustong  ma-showcase ang kanilang mga talento.  Iba -iba ang kaya nilang gawin tulad ng pag-arte , pagkanta at pagsayaw.  Pinangunahan ang launching/contract signing nina  Pau Ordona  (Founder) at  Renz Baron Florez  (Co-Founder ng Fyre Talent Academy). Kasama ring inilunsad ang mga Fyre Squad Artist na sina Fyre Squad-  Alisha , Fyre Squad- Dione , Fyre Squad- Ava , Fyre Squad- Brienne,  Fyre Squad- Brielle , at Fyre Squad-  Rob. Si John Fontanilla aka  DJ Janna Chu Chu  ng Barangay LSFM 97.1  ang nag-host ng event at special guest naman si  Wize Estabillo  ng   It’s Showtime Online U . Ayo...

Vice Mayor Mamay Marcos proud sa sampung nominasyon sa 73rd Famas Awards

Imahe
(Ni Mildred A. Bacud) Proud at masayang masaya ang Vice Mayor ng Nunungan Lanao del Norte at producer na si Manay Marcos dahil sa nakuhang sampung nominasyon ng pelikula niyang  Mamay: A Journey To Greatness sa 73rd Famas Awards.  Nitong Byernes August 22 sa Manila Hotel magaganap ang naturang awards night.  Ang nasabing pelikulan ay inspired sa totoong buhay ni Vice Mayor Mamay at kung paano niya narating ang estado niya ngayon. Paano nga ba siya nagtagumpay sa kabila ng hirap at matagal na hidwaan ng angkan?  Sumentro ang kuwento ng pelikula sa kanyang pamumuno at pananaw sa pagbabago ng kanyang komunidad tungo sa pag-unlad . “I grew up in conflict, but I chose not to let it define my future. Instead, I focused on education and peace, believing they were the only weapons strong enough to change lives,” sabi ng butihing mayor. Ang kanyang journey ay sumasalamin sa mas malawak na adhikain. “My story is proof that no matter how difficult your beginnings ar...

Iza Calzado masaya sa bagong endorsement; Mas naging ganadong magluto

Imahe
(Mildred Amistad Bacud) Masayang nakipagkwentuhan si  Iza Calzado sa Department Store ng SM North para ibida ang pinakabago niyang endorsement. Ito ang Metro Cookware Set o tinawag na Metro Iza Calzador Starter Set. Natuwa kami dahil kami rin ay nakatanggap nito. Dahil isa ng ina, mas ramdam daw ng aktres ang appreciation na kunin siya bilang endorser.  "'Totoo ba? Is it a sign?' sabi ko. Pinagluluto ako ng Panginoon. Ang clear ng sign. Okay, go! Thank you Lord! "Syempre thank you that the brand is trusting me. E ang sakto, 'Start with Metro,' ang tagline nila. Siguro brand fit din. Siguro hindi pa nga nila alam na nag-start pa lang ako. So, it's so good it's aligning to what's happening to me," sabi ni Iza. Sa kasalukuyan, paborito raw lutuin ni Iza ang bolognese pasta, na paboritong kainin naman ng kanyang mister na si Ben Wintle at anak nila na si Deia Amihan. Sa launching ay nagpasample naman  si Iza ng ...

Shane, gustong makilala sa sariling bansa

Imahe
Isa na namang nangangarap na maging singer at makilala sa sariling bansa ang tinutulungan ng magaling na kompositor na si Vehnee Saturno. Siya ay si Shane na kasalukuyang nagpopromote ng kaniyang single na "My Boy," under Vehnee Saturno Music."  Ipinanganak at lumaki sa Canada ang  16-year-old na si Shane at nangangarap maging versatile singer. Tinanong siya ng press people na maroon kung paano nga ba siya napunta sa pangangalaga ni Vehnee. " It really started when I join JDL Performing Arts back in canada. In 2022 Josie de Leon recommended me to sir Vehnee Saturno and i'm very happy about that." Ang better half naman ng kompositor na si Nadine Roxas ang siyang magical coach sa kaniya.  Nakagawa na rin daw si Shane ng dalawang original songs kung bata pa siya sa Canada.  Nang tanungan naman mag kaniyang musical influences sey niya , " I idolize Mariah Carey Whitney and Whitney Houston. Samantalang sa local artist ay hinangaan ra...

Jojo Mendrez sinampahan ng kasong Grabe Threat si Mark Herras

Pumunta ngayong araw si Jojo Mendrez at ang lawyer at legal counsel nyang si Atty. Chiqui Advincula upang magbigay ng affidavit at itutuloy na sampahan ng pormal na kaso si Mark Herras ng Grave Threat. Ito’y matapos makatanggap ng pananakot at seryosong banta si Jojo mula kay Mark Herras noong linggo ng gabi, March 23, 2025, sa loob ng kwarto ng Luxent Hotel bago ang PMPC Star Awards Night for TV na kasama ang dalawang nasabi bilang presentors ng isang special award

Cong. Arjo Atayde.naiyaknsankanyang SODA sa Quezon City

Habang nagre-report si Cong Arjo sa kanyang constituents, ilang beses niyang pinigilan ang mapaluha. Ngunit bago natapos ang kanyang SODA ay hindi rin niya naiwasan ito, kaya saglit muna siyang huminto sa pagsasalita para pakalmahin ang sarili.

Jojo Mendrez pinag-aagawan nina Rainier Castillo at Mark Herras?

Imahe
(by Mildred Amistad Bacud) Matapos ma-link kay Mark Herras, spotted naman ngayon ang Revival King na si Jojo Mendrez at Rainier Castillo. Same din sa isang casino hotel. Dahil matao ang nasabing lugar, walang ligtas ang dalawa sa mga netizens na kumuha talaga ng larawan nila. Tulad ni Mark  si Rainier ay produkto rin ng  original artista search ng GMA 7 na “StarStruck" at magkaibigan sila ni Mark. Kahit ang veteran journalist na si Jobert Sucaldito ay may post sa kanyang Facebook account. Aniya, “First it was Mark Herras na kasama ni Revival King Jojo Mendrez sa Okada Hotel dahil they were supposed to collab sa super-hit revival song na ‘Somewhere In My Past.’ “Inintriga ng press na merong ‘something’ between Jojo and Mark pero itinanggi ito ni Jojo sa media launch. Minutes after he denied the rumors about him and Mark, habang kinakanta niya ang Jonathan Manalo’s original entitled ‘Nandito Lang Ako,’ biglang dumating si Mark with an expen...

Jojo Mendrez inaalay ba ang latest song kay Mark Herras?

Imahe
(by Mildred Amistad Bacud) Trending at hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan ang real score sa Revival King na si Jojo Mendrez at aktor na si Mark Herras. Mula kasi nang maispaatan ang dalawa sa isang hotel ay hindi na namatay ang isyu. Hanggang sa nagkaroon ng mediacon ang singer ay bigla na lamang umapir ang aktor at nagbigay pa ng bulaklak habang kumakanta.si Jojo.  Ang kantang inaawit ng Revival King ay kinompose ni Jonathan Manalo under Star Music. Ang title ay ' Nandito Lang Ako.' Marami ang naintriga sa meaning ng kanta. Para Kay Mark daw ba ito? Heto pa ha, isang liham ang lumitaw na galing daw sa singer para sa aktor at tinawag pa niya itong 'bebe.' Nakasulat dito ay,  "Please 'wag ka ng magsayaw sa gay bar hindi kasi maganda para sa yo. Take care always nandito lang ako." Nang tanungin si Jojo sa kaniyang mediacon kung may something sa kanila ni Mark,ang sagot niya ay kung sasabihin daw niya na wala, ay walang maniniwala.Kun...

Nijel de Mesa's literary masterpiece na "Subtext" isa ng Musical

Imahe
By Mildred Amistad Bacud Bukod sa pagpoproduce ng pelikula at pagdidirhe, pinasok na rin ni Nijel de Mesa ang mundo ng teatro. Bakit naman hindi, dito naman talaga nagsimula si direk. Isa sa mga unang obra niya na nagbigay sa kanya ng pagkilala ay ang kanyang dula na “Subtext,” na nanalo ng 1st Prize sa Don Carlos Palanca Awards for Literature.  Naimbitahan kami para manood ng nasabing musical play last Saturday. Sa totoo lang ay naaliw kami sa kuwento, sa mga nagsipaganap at sa script ng Subtext. Binalik kami ng nasabing palabas nung mga panahong nagsisimula pa lamang ang mga cellular phones.  Ang kuwento ng Subtext, the Musical  ay umiikot sa mga pagsubok sa pakikipag-relasyon at komunikasyon. Kasama sa mga naunang cast sa pelikula noon ang mga bantog at kilalang artista na tulad nina Victor Neri, Soliman Cruz, Lou Veloso, Harlene Bautista, Paolo Contis, Ciara Sotto, Boboy Garovillo, at Nova Villa. Ngunit sa kasalukuyang bersiyon na i...

Sylvia Sanchez, dismayado sa kakaunting sinehan ng 'Topakk' pero laban lang

Imahe
Nagbukas na kahapon, arsw ng kapaskuhan ang pagpapalabas ng lahat ng pelikulang kalahok sa MMFF. Kahit maulan ay dinagsa pa rin ito ng manonood. Nasa Gateway kami kahapon para sa imbitasyon ng pelikulang Topakk na entry ng Nathan Studios at pinagbibidahan ni Cong. Arjo Atayde at Julia Montes. Infairness puno at na sold out na rin ang mga sinehan kung saan pinalabas ito. Naroon din para mag-ikot ang actress/at producer na si Sylvia Sanchez. Dito ay na interview namin siya at binahagi  ang pagkadismaya nung una dahil 36 lamang na sinehan ang nabigay sa kanilang pelikula. Kaya naman hindi na raw sila  umasa pa na makakalaban sila sa topgrosser.   Ano nga ba naman daw ang laban nila sa apat na pelikulang may mahigit 100 hanggang 200 cinemas na nakuhang mag-showing sa buong bansa. Pero imbes na mag-dwell raw sa sama ng loob si Sylvia ay laban lamang daw dahil naniniwala sila na maganda ang kanilang pelikula.  " Wala akong masasabi sa mga artis...

Julia Montes, napako sa shooting; Bilib kay Arjo Atayde

Imahe
Julia Montes,  napako sa shooting  #### Nahawa na nga yata  si Julia Montes na laging binibigay ang best sa mga buwis buhay scene ng nobyong si  Coco Martin kapag gumagawa ng proyekto.  Paano ba kasi  ay napako pala ito sa shooting ng pelikulang Topakk na pinagbibidahan ni Arjo Atayde.  Kwento napako ang tuhod  niya sa isang eksena na kinailangan niyang lumuhod sa sahig. At bilang professional actress, kahit napako na ay tinuloy pa rin daw ni Julia ang eksena. Dagdag pa niya, “Kasi ‘yung eksena na ‘yun, nagko-confrontation na ‘yung mga characters. ‘Yun ‘yung first meetup namin ni Arjo, so medyo intense na ‘yung mga bagay-bagay."  Nahiya naman daw i-cut yung eksena para sabihin na ‘teka lang napako siya . Ang ginawa na lamang daw niya ay nung hindi na nakatutok sa kaniya ang kamera ay hinugot na lang niya yung pako sa tuhod niya.   Nagpa-tetanus shot naman daw ang aktres pagkatapos no'n.  Nalaman daw nama...

Sylvia Sanchez mas naintindihan na raw ang mga nasa likod ng kamera dahil sa 'Topakk'

Imahe
Matapos mapa-wow ang  global audience mula Cannes, Locarno at Austin, pinagmamalaki ng Nathan Studios sa pangunguna ni Sylvia Sanchez na ang pelikulang pinroduce nilang "Topakk" ay nasa Pinas na at napabilang pa sa Metro Manila Film Festival. Pinagbibidahan nito ng anak niya at Congressman Arjo Atayde kasama si Julia Montes.  Mas naiintindihan na raw ngayon ni Sylvia Sanchez ang trabaho ng production people bilang producer na rin sya ngayon. Sey niya, " Mas mahirap talaga ang ginagawa nila.Walang kain, takbo dito, takbo doon. Unlike artista ako, pagdating ko sa set, aarte ako.  Ngayon nararanasan ko yung hirap, yung magutom. Sa tanong na kung kailan siya tinitopak, sey pa niya ay hindi raw pwedeng topakin dahil masisira ang araw niya.  Bilang artista naman ay binida ng aktres ang husay ng kanilang mga artista. Wala na raw siyang masasabi pa. Ang nasabing pelikula ay tumatalakay sa dating slecial forces operative na dumaranas ng Pos...

Aga nagpasalamat na hindi leading lady si Nadine sa pelikulang Uninvited

Imahe
( Mildred Amistad Bacud) Masaya at excited daw si Aga Muhlach sa reunion project nila ng Star for All Season na si Vilma Santos via "Uninvited" ng Mentorque Productions. Tatlong dekada rin mula ng huli silang magtambal sa mga pelikulang " Sinungaling Mong Puso," at " Nag-iisang Bituin." Pero ang nakakatuwa sa kwento ng aktor sa bonggang presscon mg nasabing pelikula ay  ang kaba raw na naramdaman niya nang sabihin ni direk Dan Villegas na makakasama niya si Nadine Lustre.  Akala raw niya ay ang aktres ang makakatambal niya. Mabuti na lamang daw ay gaganap siyang ama nito.  Hindi na raw bata at tanggap na ni Aga na tapos na siya sa pa-loveteam o gumawa ng mga love story, dahil na rin sa edad niya.Hindi na rin siya komportable na may kaparehang mas bata sa kaniya.  Matatandaang sa mga nakaraang pelikula niya ay ipinareha na siya kina Kristine Hermosa, Anne Curtis, Bea Alonzo at ang huli ay si Julia Barretto.  Sey ng aktor, “I cannot a...

Nadine Lustre, oppurtunity of a lifetime daw makatrabaho sina Vilma Santos at Aga Muhlach

Imahe
(Mildred Amistad Bacud) Isang malaking challenge  na naman sa acting career ni Nadine Lustre ang mapabilang sa pelikulang Uninvited" na entry ng Mentorque Productions sa Metro Manila Film Festival.   Pressure kaya ito sa kaniya dahil alam naman natin na last year ay siya ang tinanghal na best actress sa MMFF para sa pelikulang "Deleter."   This time ay  makakasama naman niya sa nasabing pelikula ang icons sa showbiz na sina Star for all season Vilma Santos at Aga Muhlach. Nang tanungin si Nadine kung ano ang pakiramdam  niya. Aniya  nang tawagan daw siya ng direktor nito na si Dan Villegas, at  ikwento sa kaniya ang synopsis ng nasabing pelikula, hindi pa raw tapos ang pag e-explain  ay agad siyang napasabi ng game na. Lalu na nung nalaman na makakasama niya sina Vilma  at  Aga.  " Kelan ko ba masasabi na nakatrabaho ko sila ( Vilma at Aga) in one film. This is an oppurtunity of a lifeti...